Muli at huli. isinulat ni pilosopiya Sa paglabas sa malaking pinto ng isang babae papunta sa altar tila may isang anghel na naglalakad sa alipalap. Pusturang puro puti ang suot niyo gayundin ang belo na minimithi niya. Sa pagsilay ko sa iyong ngiti naalala ko ang anim na taon ating linagsamahan sabay pagbuo ng masaya nating kinabukasan. Muli at huli ko ng mahahwakan ang kamay mo paabot sa mapapangasawa mo " pare ikaw na ang bahala sa kanya " sabi ko " oo namn pare ko'y" tugon ng bestfriend ko sa iyobg pagtalikod sabay ang pagtulo ng luha ko, mahal ako dapat ang nariyan, salamat sa anim na taon nating pinagsamahan salamat sa pagiging bestman sa kasal niyo. Nagmamahal "joseph".
Mga Post
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Maulan na gabi Isinulat ni Aj Ramos Sa bawat umagang pagpasok ni Dandan sa eskwelahan ay kasabay niya ang kaniyang pinakamamahal na ama at ang kaniyang alagang aso. Halo-halo abg kanilang saya na nadarama bago pumasok sa eskwela at trabaho. Street sweeper ang trabaho ng ni mang Pedring (ama ni Dandan) araw-araw siyang nag tatrabaho para may maipakain sa kaniyang anak at sarili. Samu't saring usok ng mga dumadaang mga sasakyan ang nalalanghap ni mang Pedring sa mga kalsadang winawalisan. Habang siya'y nagtatrabaho "Beeeeep! Beeeep!" Isang malakas na busina ng kotse na nawalan ng preno ang nangingibabaw na tunog sa kalsada. Lumipas ang maulang gabi. Dumating ang umaga para sa pagpasok ni Dandan ngunit wala ng saya ang makikita sa kaniyang mukha dahil patay na ang kaniyang alagang aso.
Dagli Cellphone
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Cellphone Isinulat ni Kyla Dela Cruz Ako'y simpleng tao lang, tulad ng iba marami rin akong gusto. Katulad na lang ng gusto kong magupitan ang buhok kong napakahaba na, ayaw kasi ni inay gupitan ang aking buhok eh. Gusto ko rin makapagpahinga kahit sandali lang, dami kasing gawain sa bahay eh. Gusto ko din magsama sama kaming pamilya sa hapagkainan, lagi kasi silang wala sa bahay minsan ay gabing gabi na nakakauwi. Iyon lang naman ang gusto ko eh. Hiniling ko ang maiksing buhok hindi ang makalbo, hiniling ko ang makapagpahinga kahit saglit lang hindi ang pang habambuhay, hiniling ko ang magsama sama kami sa hapagkainan hindi sa magiging burol ko. Ganito pala ang may cancer walamg ibang ginawa kundi magpahinga at hintayin kung kelan ka mawawala. Pinapagalitan nanaman ako ni inay cellphone nanaman daw ako ng cellphone makapagpahinga na nga. Ito ang nabasa ng aking kapatid sa memo ng cellphone na napulot nya.
Dagli Barbie
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Barbie Isinulat ni Jens Urbino Habang namamasyal kasama si itay at ang aking Barbie nakita ko na may kasamang ibang babae si itay,habang kumakain ay nakikita ko na pinaglalaruan ni itay ang buhok ng babae gaya na ginagawa ko sa aking Barbie, napaisip ako hindi ba't magkaiba ang laruan sa tunay na may nararamdaman? Kung ihahalintulad ko ang babaeng kasama ni itay sa aking Barbie,kung gayon bakla ba ang aking ama? Dahil sa pagkakaalam ko ang tunay na lalaki ay hindi nag lalaro ng Barbie.