Maulan na gabi
Isinulat ni Aj Ramos
Sa bawat umagang pagpasok ni Dandan sa eskwelahan ay kasabay niya ang kaniyang pinakamamahal na ama at ang kaniyang alagang aso. Halo-halo abg kanilang saya na nadarama bago pumasok sa eskwela at trabaho. Street sweeper ang trabaho ng ni mang Pedring (ama ni Dandan) araw-araw siyang nag tatrabaho para may maipakain sa kaniyang anak at sarili. Samu't saring usok ng mga dumadaang mga sasakyan ang nalalanghap ni mang Pedring sa mga kalsadang winawalisan. Habang siya'y nagtatrabaho "Beeeeep! Beeeep!" Isang malakas na busina ng kotse na nawalan ng preno ang nangingibabaw na tunog sa kalsada. Lumipas ang maulang gabi. Dumating ang umaga para sa pagpasok ni Dandan ngunit wala ng saya ang makikita sa kaniyang mukha dahil patay na ang kaniyang alagang aso.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento