Dagli Cellphone
Cellphone
Isinulat ni Kyla Dela Cruz
Ako'y simpleng tao lang, tulad ng iba marami rin akong gusto. Katulad na lang ng gusto kong magupitan ang buhok kong napakahaba na, ayaw kasi ni inay gupitan ang aking buhok eh. Gusto ko rin makapagpahinga kahit sandali lang, dami kasing gawain sa bahay eh. Gusto ko din magsama sama kaming pamilya sa hapagkainan, lagi kasi silang wala sa bahay minsan ay gabing gabi na nakakauwi. Iyon lang naman ang gusto ko eh. Hiniling ko ang maiksing buhok hindi ang makalbo, hiniling ko ang makapagpahinga kahit saglit lang hindi ang pang habambuhay, hiniling ko ang magsama sama kami sa hapagkainan hindi sa magiging burol ko. Ganito pala ang may cancer walamg ibang ginawa kundi magpahinga at hintayin kung kelan ka mawawala. Pinapagalitan nanaman ako ni inay cellphone nanaman daw ako ng cellphone makapagpahinga na nga. Ito ang nabasa ng aking kapatid sa memo ng cellphone na napulot nya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento